While watching AI…

PEARL: Ma, ano na ulit apelido ni Skylar?

MAMA: Ewan, baka pigeon. *Sabay kanta* Fly awaaaaay, Skylar pigeon flyyyyy.

Waley. Hahahaha.

Phil <3

Ang picture, kapag napunit, mahirap na idikit ulit. Madalas kita pa rin iyong mga puti kahit itape.

Credits: @erickjoshuasc

Parang tiwala lang yan sa pagitan ng dalawang tao. Kapag nasira na ito, mahirap nang maibalik muli. O kung maibalik man, kahit papano’y mag-iiba na ang tingin natin sa taong yon dahil nga andun na yung mga “bakas” ng pagsira niya sa tiwalang binigay mo sa kanya.

Pagpapakatotoo.

Ano ba talaga ang totoong kahulugan ng pagpapakatotoo? Kailangan ba talagang makipagaway, makipagsagutan, makipagbalahurahan para lang masabing nagpapakatotoo ka?

Yan yung hindi ko maintindihan sa palabas na yan. Kapag galit ba ang tao, doon lang lumalabas ang tunay nilang kulay? Kasi base sa mga napapanood ko, gagalitin muna nila yung mga nasa bahay na iyon. Kung sinu-sino ang pumasok, pero iisa lang ang misyon — malaman kung sino talaga ang nagpapakatotoo. Syempre may mga lalaban, at yung mga lumaban, nakipagsagutan, nakipagsigawan, instant puri agad. Bakit? Kasi nga raw nagpapakatotoo sila.

Putanginang pagpapakatotoo yan. Paano nalang yung mga may breeding? Yung mga hindi sanay sa away? Those people who know how to keep their cool? Are we going to deem and lable them as fake and playing safe?

I don’t think so.

“I’d rather be called as fake for being real than real for being fake.”

— Divine Maitland-Smith (not verbatim)

Where did the old PBB go? Where the housemates stood on their own and not because of house players or guests whom I found useless and irrelevant at all? Where the housemates didn’t undergo mental and psychological tortures just for them to show their real self? Seriously, this shit is getting lame.

Malala na teh.

That moment when this laziness of mine is getting worse.

Sobrang lala na talaga ng katamaran ko. Yung tipong ako mismo eh naiinis na sa katamaran kong yon, pero hindi ko magawang alisin.

They will probably start computing our grades this weekend. And my outputs? Well, I still haven’t passed them. And then I realized… I’m screwed.

I’M SCREWED. AND THIS IS ALL MY FAULT.

Why am I born indolent? Lord, why did You let me sleep profoundly when you poured out productiveness and diligence?

Like what everyone has been saying, it depends upon your choice. Eh angola ako eh, pinili ko to eh. So I have to live with the consequences.

Le me reviving my blog~

Seems like I’ve been inactive for like, 2 and a half months already (You don’t say?) and I just want to tell you guys that I missed you a lot. Aruy.

The reason of my so-called hiatus is, uh, ano nga ba? Busy with school activities? Sort of. Busy coping with my beloved friends? Yes. Busy dealing with these fvcking predicaments? Definitely.

By the way, THIS IS MY FIRST POST FOR THE YEAR TWO ZERO ONE TWO.

And today is March 9.

I never thought that I could spend 69 days living without posting stuffs, without reblogging and liking, and even without opening this site. But I just did. Hey, don’t get me wrong! I still love Tumblr, and I always will. It is just that I’m already satisfied with the 140-character limit that Twitter has been offering and this sluggishness of mine is bugging me.

And now I’m perking up this blog, hoping that my Tumblr life will still be the same as what it had been before.

To my ever-loyal followers slash friends, thank you. You don’t know how grateful I am for having you in my life. Drama lang teh? But I swear, I really owe you guys a lot.

So that’s it. I’m back. Bigger, bolder, braver, sexier. Charot. Kadiri lang. Hahaha.

Feng Shui, zodiacs, hula at mga pamahiin.

Walang masamang maniwala sa mga ganito. Lalo na’t ngayon ay bagong taon, nagsilabasan nanaman sina Stargaizer, Joy Lim, Zenaida Seva at kung sinu-sino pa. May mga ek-ek nanaman na “dapat ang bintana nasa ganitong lugar para madaling pumasok ang swerte”, “swerte ang mga taong ipinanganak sa year of the blah blah”, at “maglagay ka ng ganito sa iyong tahanan para maiwasan ang kamalasan”. Pero sabi nga, huwag iasa sa mga ganitong bagay ang swerte. Nasa sa atin kung magiging swerte o malas ba tayo sa buong taon. Kung tatamad-tamad ka, huwag kang umasang uunlad ka. Maliban na lang kung mayaman ka at hindi mo na kailangang magtrabaho. Pero sa mga taong naghahangad ng magandang buhay, pero wala namang tiyaga, eh sorry nalang. Parang yung mga taong naghahangad na sana manalo sila sa lotto, pero hindi naman tumataya. LEARN TO TAKE RISKS.

At isa pa, walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Kaya yung mga nagsasabi ng “may artistang mamatay sa 2012” at “may mabubuntis” o “may ikakasal”, they’re just playing safe. Nangyayari talaga yan.

Sa mga pamahiin naman, parte na ng kultura natin yan eh. Hindi na mawawala yan. Mamaya nga pagsapit ng 12:00 AM eh susubukan kong tumalon, baka sakaling may ilalaki pa ako. Wala namang mawawala.

Ayun nga, wala namang masamang maniwala sa mga ganyan. Basta huwag lang doon iikot ang buhay mo at huwag basta-basta iaasa ang swerte. Sabi nga ni Zenaida Seva:

HINDI HAWAK NG MGA BITUIN ANG ATING KAPALARAN, GABAY LAMANG SILA, MAYROON TAYONG FREEWILL, GAMITIN NATIN ITO.

Magbabalik po ang Umagang Kay Ganda…

2012 na mamaya.

Ang daming nangyari sa taong 2011. Pero siguro ang hindi ko makakalimutan sa taong ito eh yung mga bagay na nagpabuti sa pagkatao ko, bumuti nga ba? Maaaring sa paningin ng iba ay ganito pa rin ako, walang pinagbago. Hindi ko alam, basta ang alam ko sa sarili ko eh oo. At sana sa darating na taong 2012 eh mas maging mabuti pa ako, higit sa kung ano man ako ngayon.

—Jake M. Avila